MAAARI nang tumanggi ang local manning agencies para sa mga Pinoy seafarer na maglayag sa Red Sea.
Kasunod ito sa paglabas ng Department of Migrant Workers (DMW) ng guidelines na may kaugnayan sa pagdedeklara ng International Bargaining Forum sa Red Sea at Gulf Aden bilang high-risk areas at war-like zones.
Pinaaalahanan ng ahensiya ang manning agencies na ipaliwanag nang maayos sa mga seafarer ang guidelines lalo na’t mayroon nang dalawang Pinoy ang namatay dahil sa mga pang-aatake ng Houthi rebels ng Yemen.
Maaari namang sumugal ang isang seafarer basta’t may personal ito na pahintulot sa hakbang.