SINISIGURADO ng Las Piñas Tourism Operation na mas lalo pang maibibida ngayon ang local tourism ng lugar.
Kabilang na sa tututukan ay ang sikat na Bamboo Organ na dinadayo ng mga lokal at dayuhang turista maging ang Las Piñas Nursery at Botanical Garden, isang Clean and Green Program ng lungsod.
Ipinangako ito ng Tourism Department ng Las Piñas kasunod sa isinagawang 2-day master class para sa lahat na tourism officers sa bansa noong November 28 at 29.
Layunin ng Department of Tourism (DOT) na mai-promote ang tourism ng bansa lalo na’t bumabangon na ang bansa mula sa COVID-19 pandemic.