Logistic Support System ng PNP, tinangkang i-hack—PNP

Logistic Support System ng PNP, tinangkang i-hack—PNP

TINANGKA, pero bigo ang hacker na pasukin ang Logistic Date Information and Management System ng PNP Headquarters sa Camp Crame.

Alas-diyes ng umaga ng Lunes Mayo 13, 2024 nang subukang i-hack ng hindi pa natutukoy na indibidwal ang mahahalagang dokumento ng pambansang pulisya.

Ayon sa PNP, hindi ito ang unang pagkakataon na tinangkang panghimasukan ang mga datos ng PNP.

Buti na lang, sabi ng PNP, wala namang nakuhang mahalagang impormasyon ang hacker.

Gayunpaman, isa pa rin anila itong malaking banta sa kanilang trabaho lalo na sa mga iniingatan nilang mga dokumento online.

“Well when we talk about logistic information, we expect that logistical resources of the PNP will somehow be included in that data. So, we have to really check kung mayroon mga breach,” pahayag ni Col. Jean Fajardo, Chief, PNP-PIO.

Kaugnay rito, puspusan na ang pakikipag-ugnayan ng PNP headquarters sa cybercrime group nila para tukuyin ang nasa likod ng tangkang pag-hack at alamin ang motibo ng data breach.

“‘Yung ating cyber response team po is currently conducting an assessment and investigation on the alleged data breach. Kausap ko po ‘yung ACG (Anti-Cybercrime Group), ACG will also conduct their own investigation but right now as a precautionary measure, ‘yung ating cyber response team immediately shutdown the system to prevent this breach po if indeed kung mayroon man pong breach. But, in initial, sabi ng Deputy Directorate for Logistics ay wala pa sila, so far, nakikita na breach,” dagdag ni Fajardo.

Sa huli, muling kinumpirma ng PNP na ang mga nangyayari sa administrasyon ng PNP ay walang kinalaman sa mga tangkang destabilisasyon sa PNP at kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble