Lokal na pamahalaaan ng La Trinidad, pinasalamatan si Pastor Apollo sa tulong na ipinamahagi

Lokal na pamahalaaan ng La Trinidad, pinasalamatan si Pastor Apollo sa tulong na ipinamahagi

TAOSPUSONG pasasalamat ang ipinaabot ng lokal na pamahalaan ng La Trinidad, Benguet sa ayudang ipinaabot ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ at Chairman ng Sonshine Media Network International (SMNI).

Malayo man ang Davao City kung nasaan si Pastor Apollo ay agad nitong ipinakilos ang SMNI Foundation Inc., katuwang ang iba pang organisasyong naniniwala sa mga ginagawang pagtulong ng butihing Pastor gaya ng Sonshine Philippines Movement at Children’s Joy Foundation Inc.

Agad na tumungo ang mga volunteers sa lokal na pamahalaan ng La Trinidad, Benguet bitbit ang ayudang ipinaabot ni Pastor Apollo na kailangan ng mga residenteng naapektuhan sa bagyo.

‘’Malaking tulong po yan kasi as of now lahat ng residents natin lahat sila on recovery, lahat sila on cleaning, lahat nagiisip pa mag-uumpisa so malaking jumpstart po ito malaking tulong ito sa family na mabibigyan,’’ayon kay Brgy. Capt. Tyrone Diaz.

‘’We would like to thank Pastor Quiboloy and the SMNI network for the blessings that they are sharing it to the municipality of La Trinidad this is for our affected farmers, the affected stakeholders in the municipality ito po ay malaking tulong po sa kanila initialy for the food..yung iba food ang kailangan nila,’’ayon kay Mayor Romeo Salda.

SMNI  NEWS