INIULAT ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na maaaring lumampas sa dalawang milyong metriko tonelada ang produksiyon ng asukal sa bansa.
Mas mataas ito kumpara sa projection na 1.782 milyong metriko tonelada para sa kasalukuyan cropping year.
Ang positibong resulta ng lokal na produksiyon ay bunga ng pananaliksik at malawakang pagtatanim o pamamahagi ng iba’t ibang uri ng tubo.
Ang pag-reset din ng panahon ng anihan ang isa sa mga dahilan kung bakit mas mataas ang produksiyon ngayon na cropping year.