SINIMULAN nang ipinatupad ng Bureau of Immigration (BI) ang Immigration Lookout Bulletin (ILBO) na inilabas ng Department of Justice (DOJ) laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ayon kay BI Comm Norman Tansingco, natanggap na nila ang 3-pahinang ILBO laban kay Guo, isang Guo Hua Ping at 17 iba pa.
Ang ILBO ay inilalabas ng DOJ para atasan ang BI na maghigpit at bantayan ang biyahe at kung nasaan ang sinuman kapag may tangka silang lumabas ng bansa.
Kinumpirma rin ni Tansingco na noong Hunyo 23 ay naharang ng BI ang tangka ng isang babaeng Chinese na kasama sa ILBO na bumiyahe.
Sinubukan umano ng dayuhan na lumipad papuntang Jinjiang, China sa Davao International Airport.