ISINUSULONG ngayon ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda na buwisan ang lahat ng luxury items and properties na tinawag nitong ‘Louis Vuitton Tax.’
Sa kanyang proposal, maituturing na luxury items at sakop ng proposed taxation ang mga luxury watch at luxury cars na may presyong P5-million pataas.
Pati na ang luxury properties gaya ng private jets at residential properties na may P100-million value per unit.
At mga inumin o beverages na may presyong P20,000 kada isa pataas at leather goods na may presyong P50,000 per unit pataas.
Sa tantiya ni Salceda na isa ring ekonomista, makakapag-generate ang pamahalaan dito ng nasa P12.4-billion minimum na kita.
Saad naman ng kongresista, target niyang isulong ang pagbubuwis sa mga ‘non-essential goods’ na may mataas na value at hindi abot ng ordinaryong consumer.
“Basically, the aim is to find some way to tax the rich consistent with the constitutional principle of progressivity in taxation,” saad ng mambabatas.