Love Mt. Apo challenge at mag-ambag sa paglinis ng mga trails—VP Sara

Love Mt. Apo challenge at mag-ambag sa paglinis ng mga trails—VP Sara

NOONG nakaraang Linggo, ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang karanasan sa pag-akyat sa Osmeña Peak at Lugsungan Peak.

Mula noon, marami na aniya ang nagtanong sa bise presidente kung nakaakyat na ba ito sa pinakamataas na bundok ng bansa, ang Mt. Apo.

Ayon kay VP Sara, apat na beses na siyang nakaakyat sa Mt. Apo, at ang pinakahuli ay nitong Mayo.

Nag-umpisa aniya sila ng 5:00 AM at nakaabot sa tuktok ng 7:00 PM. Lalo itong naging mahirap dahil sa kakulangan ng ilaw sa gabi at sa lamig na halos katulad na ng temperatura tuwing winter.

Nakakalungkot aniya dahil nakapulot din si VP Sara ng maraming non-biodegradable wastes sa daanan.

Para sa mga nais mag-hike, may dalawang paalala ito: una, ihanda ang pisikal na katawan sa pamamagitan ng stretching at brisk walking; at pangalawa, huwag mag-iwan ng basura, lalo na ang plastic, sa bundok.

Dagdag ni VP Duterte na napag-usapan nila ni Sen. Bato dela Rosa na akyatin ang Mt. Apo ngayong darating na holiday sa Undas, pero dahil sa nagbago aniya ang schedule nito, sa Luzon na lang aniya sila mag-tandem hike sa susunod na walang pasok.

Hamon nito kay Sen. Bato na sumali sa “Love Mt. Apo” hike at mag-ambag din sa paglinis ng mga trails.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter