LPA, maaaring maging Bagyong Bising

LPA, maaaring maging Bagyong Bising

NAGBABANTA ang panibagong sama ng panahon.

Isang Low Pressure Area ang masusing minomonitor ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng lumakas at maging unang bagyo ng Hulyo na tatawaging Bagyong Bising.

Batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa silangang bahagi ng Visayas. Bagama’t wala pa itong direktang epekto sa bansa, may posibilidad itong lumakas sa mga susunod na araw at maging isang tropical depression.

Kapag tuluyang naging bagyo, inaasahang tatama ito sa silangang bahagi ng Visayas at Bicol Region, dala ang malalakas na ulan, kulog, at bugso ng hangin.

Pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa mga posibleng epekto tulad ng pagbaha at landslide, lalo na sa mga lugar na malapit sa bundok o baybayin.

Muling paalala ng PAGASA: manatiling nakaantabay sa mga opisyal na abiso, iwasan ang pagkalat ng maling impormasyon, at siguruhing handa ang inyong pamilya sa anumang maaaring idulot ng paparating na sama ng panahon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble