MAGTATAAS ng pamasahe ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) simula Abril 2 ngayong taon.
Ito ay matapos inaprubahan ng Department of Transportation (DOTr) ang bagong fare matrix ng LRT-1.
Mula sa kasalukuyang pamasahe na P15 hanggang P40, tataas ito sa P20 hanggang sa P55.
Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), pinagtibay ng Rail Regulatory Unit ng DOTr ang bagong fare matrix dalawang buwan matapos magsagawa ng public hearing kaugnay ng petisyon para sa taas-pasahe.
Iginiit ng LRMC na mula nang pamahalaan nila ang LRT-1 noong 2015, isang beses pa lamang naaprubahan ang kanilang hiling na fare adjustment.
Follow SMNI News on Rumble