LRTA, walang planong palawigin ang Libreng Sakay Program

LRTA, walang planong palawigin ang Libreng Sakay Program

WALANG plano ang Light Rail Transit Authority (LRTA) na palawigin ang Libreng Sakay Program para sa mga mag-aaral sa LRT-2.

Ito’y para makapag-generate na sila ng kinakailangang pondo para sa rehabilitation at upgrading ng rail service.

Anila, nawalan na sila ng kabuuang P30-M mula sa kanilang kabuuang revenue.

Ipinaliwanag naman ng LRTA na inilaan lang ang Libreng Sakay Program sa unang quarter ng kasalukuyang school year.

Mula August 22 hanggang November 5, umabot na sa 1,623,473 na libreng sakay ang naibigay nila para sa mga mag-aaral.

Ang mga mag-aaral ay makaka-avail ng 20% discount kung magpapakita ito ng ID o kaya’y magfill-up ng registration form sa passenger assistance office ng LRT-2 o saan mang ticket booth.

Follow SMNI NEWS in Twitter