SINABI ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na makaka-avail ang mga mag-aaral ng 20% discount kung sasakay ang mga ito ng LRT-2.
Ito’y sa kabila ng pagtatapos na ng libreng sakay program noong nakaraang linggo.
Kailangan lang ipakita ang school ID o kaya’y proof of enrollment sa passenger assistance office o ticket booth para mabigyan ng discount.
Umaasa naman ang mga mag-aaral na palawigin pa ang naturang programa dahil marami ang nakikinabang dito.
