LTFRB, inatasan ang mga kompanya ng bus na tiyakin ang road safety measures habang bibiyahe ngayong holiday season

LTFRB, inatasan ang mga kompanya ng bus na tiyakin ang road safety measures habang bibiyahe ngayong holiday season

INATASAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga kompanya ng bus at operator na siguruhing ligtas ang mga pasahero tuwing bibiyahe sa mga probinsiya ngayong Kapaskuhan.

Sa isang pahayag, ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, binigyan na niya ng direktiba ang mga kompanya ng bus na magpatupad ng mga road safety measure.

Kabilang na ang mahigpit na pagsunod sa traffic regulation, tamang maintenance ng mga bus, at komportable at maayos na bus para sa mga pasahero.

Hinimok din ni Guadiz ang mga bus operator na bigyang prayoridad ang kalagayan at kaligtasan ng mga bibiyahe ngayong holiday season.

Nagbabala naman ang opisyal na maaaring patawan ng mataas na multa at pagsuspinde sa kanilang prangkisa kapag lumabag sa mga alituntunin ng LTFRB.

Samantala, higit 1,000 bus units na ang nabigyan ng special permit ng LTFRB para matiyak na may sapat na masasakyan ang publiko ngayong holiday season.

Ito ay epektibo simula Disyembre 15 hanggang Enero 14.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble