LTO, DPWH sanib-puwersa sa anti-overloading operation sa mga rehiyon sa bansa

LTO, DPWH sanib-puwersa sa anti-overloading operation sa mga rehiyon sa bansa

PINAGTIBAY pa ng Land Transportation Office (LTO) ang anti-overloading operations nito sa mga sasakyan sa buong bansa.

Katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH), mahigpit na nagpatupad ng inspeksyon ang LTO sa mga truck at trailer na lumalabag sa itinakdang limitasyon sa bigat ng karga.

Ito’y alinsunod sa ipinatutupad na Republic Act No. 8794 o ang Anti-Overloading Act.

Nagsagawa ng operasyon ang LTO at DPWH sa Bocaue at Tabang sa Bulacan, National Capital Region at sa DPWH Weighbridge Station sa Santa Rita, Samar.

Bukod diyan, pinaghuhuli rin ang mga sasakyang lumalabag sa mga batas-trapiko.

Ang nasabing kampanya ay isa sa mga nais paigtingin ng bagong LTO chief na si Assistant Secretary Jose Arturo Tugade sa buong bansa.

 

 

Follow SMNI News on Twitter