LTO hihigpitan ang monitoring sa mga bus terminal kasunod ng insidente sa Antique

LTO hihigpitan ang monitoring sa mga bus terminal kasunod ng insidente sa Antique

NAGPAABOT ng pakikiramay si Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II sa mga pamilyang naiwan ng mga namatay na pasahero matapos mahulog ang sinasakyang bus sa Antique.

Sa isang pahayag, inatasan ni Mendoza ang regional director ng LTO-Western Visayas upang magsagawa rin ng imbestigasyon upang magkaroon ng malinaw na dahilan ng aksidente.

Inutusan pa ni LTO chief ang nasabing regional director na alamin kung paano makakatulong ang LTO sa mga pamilya ng mga namatay at sa iba pang pasaherong nasa ospital.

Isa rin sa direktiba ni Mendoza sa lahat ng regional directors ng LTO na paigtingin ang pagsasagawa ng pagsusuri sa mga bus sa terminal.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit agresibo nitong ipinapatupad ang “No Registration, No Travel” policy sa pamamagitan ng law enforcement operations at iba pang programa.

“Following this fatal road accident in Antique, I also instructed all LTO Regional Directors and heads of District Offices to further intensify the conduct of road worthiness inspection and the “No Registration, No Travel” policy,” pahayag ni Asec. Vigor Mendoza II, Chief, LTO.

Ang pagpaparehistro ng sasakyan ay isang paraan ng ating pamahalaan upang siguruhing ligtas ang mga sasakyan para sa kapakanan ng lahat.

Makikipag-ugnayan din ang LTO sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang magdala ng karagdagang hakbang sa kaligtasan sa kalsada sa mga kompanya at operator.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble