HINULI at tiniketan ng Land Transportation Office (LTO) ang ilang tricycle drivers sa Batasan TODA sa Quezon City, umaga ng Martes.
Kasunod ito sa ipinatupad na “No plate, No travel” policy ng ahensya.
P10,000 ang pinakamataas na multa na maaaring bayaran ng mga nahuling unregistered tricycle.
Iba pa ang P1,500 na multa ng Quezon City government para sa mga walang prangkisa.