LTO, isusulong ang special law na magpaparusa sa road rage

LTO, isusulong ang special law na magpaparusa sa road rage

ISUSULONG ng Land Transportation Office (LTO) ang paglikha ng isang special law na magpaparusa sa mga insidente ng road rage.

Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na pag-aaralan pa nila kung anong parusa ang maaaring ipataw.

Ani Mendoza hindi sila maaaring magpataw ng (A) penalty na mas mataas sa 4-taon na suspensiyon o revocation.

Dagdag pa ni Mendoza, kapag tapos na ang pag-aaral, imumungkahi ng LTO sa Kongreso na gumawa ng batas na tumutukoy at nagpaparusa sa road rage.

Matatandaang nag-viral sa social media ang ilang insidente ng road rage, isa sa mga ito na kinasasangkutan ng isang dating pulis, sa Quezon City at Valenzuela City noong Agosto.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble