LTO-NCR, nag-alok ng libreng theoretical driving course seminar

LTO-NCR, nag-alok ng libreng theoretical driving course seminar

NAG-aalok ng libreng 2-day Theoretical Driving Course seminar ang Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) West ngayong linggo.

Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-111 anibersaryo ng ahensiya.

Layon nito na makapagbigay ng mas magandang serbisyo sa publiko at magkaroon ng mas ligtas na kalsada para sa lahat ng motorista.

Maliban sa LTO-NCR-West sa Araneta Avenue, Quezon City, magbibigay rin ng libreng seminar ang Pasay City Licensing Center sa Domestic Road, Pasay City.

Ngunit, paalala lang ng  para sa mga nag-avail sa naturang aktibidad na ang mga nakumpirmang appointment ay hindi na maaaring mai-transfer o ma-rebook.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter