LTO, tutulong sa paglaban sa smuggling ng mga sasakyan sa bansa

LTO, tutulong sa paglaban sa smuggling ng mga sasakyan sa bansa

NANGAKO ang Land Transportation Office (LTO) sa lahat ng regional director nito na paigtingin ang koordinasyon sa Bureau of Customs (BOC) sa layuning matugunan ang smuggling ng mga sasakyan sa bansa.

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza II na ang koordinasyon sa BOC ay matiyak na walang smuggled vehicles na mairerehistro sa alinman sa kanilang mga opisina sa buong bansa.

Ani Mendoza, nananawagan siya sa mga regional director at district head na panatilihin ang malapit na koordinasyon sa BOC sa kanilang mga lugar.

Dagdag pa nito na ibibigay ng LTO ang lahat ng kinakailangang tulong sa BOC sa pagtiyak na lahat ng imported na sasakyan ay maayos na naidokumento.

Samantala, sinabi rin ni Mendoza na ang paglaban sa mga smuggled na sasakyan ay nangangahulugan din ng pagpigil at pagpuksa sa mga aktibidad na kriminal.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble