KASALUKUYANG hinahanda na ng pamahalaang lokal ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor Wes Gatchalian ang maagang pamasko para sa mga registered senior citizen sa lungsod.
Ayon kay Mayor Gatchalian, mahigit P24 milyon ay inilalaan sa mahigit 65 libong senior citizens sa lungsod taon-taon.
Aniya, kasalukuyan silang nag-iikot para magbigay ng mga ticket sa mga lolo at lola na rehistrado sa Valenzuela senior citizen’s office.
Dagdag pa nito, magiging dagdag-menus ang mga gift packs sa mga gastusin ng pamilyang Valenzuelano at makatutulong din ito sa libu-libong magsasaka sa probinsiya ng Isabela na kapartner na ng lungsod.
Sa Hulyo 21, magsisimula na ang pamamahagi ng mahigit 65 libong pamaskong sako ng bigas para sa senior citizen sa District 1 at District 2 ng lungsod.