PWDs at senior citizens sa Valenzuela, dapat libre sa mga sinehan—Mayor Gatchalian

PWDs at senior citizens sa Valenzuela, dapat libre sa mga sinehan—Mayor Gatchalian

IPINAALALA ni Valenzuela Mayor Wesley Gatchalian sa mga cinema at movie house owners na ilibre ang mga persons with disabilities (PWDs), at senior citizens na manonood ng palabas o pelikula.

Aniya, may 2 ordinansa ang kanilang lungsod hinggil dito, kung saan pinabibigyan na ng karagdagang benepisyo ang PWDs at senior citizens.

Saklaw nga nito ayon kay Gatchalian ang libreng movie access.

Kasunod ang komento ni Gatchalian nang malaman nito na may PWDs ang hindi pinapasok sa isang sinehan na libre.

Follow SMNI NEWS in Twitter