MGA mag-aaral, guro, magulang at mangingisda sa Brgy. Guadalupe, Maasin City Southern Leyte, nagpakita ng kakaibang sigla sa malawakang pagtatanim ng mangroves seedlings.
Maaga pa lang nitong Sabado ay dumagsa na agad ang mga mag-aaral ng Guadalupe National High School sa Brgy. Guadalupe Gym para sa makabuluhang araw para sa Inang Kalikasan.
Dala-dala ang bamboo sticks at sako bilang gamit sa isasagawang mangrove planting at coastal clean-up sa kanilang barangay.
Maya-maya pa ay dumating na rin ang mga ma magulang at mga kabarangay na naghanda rin para sa malawakang pagtatanim ngayong araw.
Sa imbitasyon ng Sonshine Philippines Movement (SPM), kasama ang Keepers Club International Leyte Chapter, dumalo at sumuporta ang Provincial Environment and Natural Resources Office ng Southern Leyte, Bureau of Fire ng Maasin, ROTC trainees ng 805th Ready Reserve Battalion, GNHS PTA officials, mga residente, maging ang Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan upang maitanim ang isang libong fully grown mangroves sa kanilang lugar.
“Ang laki ng tulong ng ganito, nagpapasalamat tayo kay Pastor Apollo Quiboloy na nagsulong ng pagtatanim ng mangroves, sana hindi masira ang mga itinanim dahil malaki ang maitutulong nitong programa na ginawa ni Pastor. Salamat sa inyo Pastor at member ng SMNI na nandito sila, dumating sila dito sa Brgy. Guadalupe. Kaming mga opisyal ng PTA dito sa Guadalupe National High School handang sumuporta sa kung anong mga programa, maraming salamat sa inyo,” ayon kay Jose Pepito Coscillas, Brgy Counsel and PTA, President.
Para sa PTA President at brgy konsehal na si Mang Jose, mahigpit nilang pinapangalagaan ang kanilang karagatan bilang mga residente at nakakamangha umano na may mga kagaya pa ng SPM na tumutulong din sa pangangalaga ng kalikasan kahit na malayo ang kanilang lugar.
Hindi na bago sa SPM ang pagtatanim ng bakhaw, dahil simula pa taong 2005 nang pasimulan ni Pastor Apollo Quiboloy ang mga inisyatiba sa pangangalaga ng ating kalikasan at dahil na rin sa pagnanais na may maipamana tayong yaman sa ating mga kabataan ay hindi na natigil pa ang mga pagkilos ng SPM mula Luzon, Visayas, at Mindanao.
“Dahil po sa kay Pastor Apollo C. Quiboloy sya po ang aming, sya po ang aming idolo, sya po ang aming modelo, sya po ang nagtuturo sa amin upang kami ay maging masipag at nagkakaisa para po sa gawain na ito. Ito pong ginagawa namin hindi po ito nagpapakitang tao hindi po ito ahh hindi po kami nagdadala ng relihiyon o denomination or hindi po kami nagdadala ng pangalan o sekta kundi ito po ay ipinapakita po namin ang itinuturo ni Pastor na kaming lahat kahit anumang relihiyon mayroon ka ahh kaming lahat nagkakaisa. So lahat ng ito ginagawa namin para sa Dios at sa Pilipinas nating mahal,” ayon kay Rico Mandin, KOJC Regional Minister.
Para sa mga mag aaral ng GNHS, makabuluhan ang kanilang pagsuporta sa SPM sa kabila ng init ng panahon.
“Marami pa ring studyante ang tumulong kahit na marami pa silang problema, may naka sapatos pa nga pero bale wala na lang basta maka plant ng trees dito sa dagat namin and to all youth out there, I invite you to join this kind of activities because it is so worth it thank you,” ayon kay Luna Antonette Viclaba, SSLG Treasurer.
Samantala lubos ang naging pasasalamat ng punong barangay ng Guadalupe na si Kapitan Ruben Rollon dahil sa ipinakitang malasakit ni Pastor Apollo sa ating kapaligiran sa pamamagitan ng mga inisyatiba ng SPM.
“Ito lang po ang mensahe ng ating brgy., lalo na sa ating mga council of brgy. officials at sa mga SK, nandito ang mga taga SMNI na tumulong sa atin at nag-supply sa atin ng mga seedlings para lang mapaunlad natin ang ating bakhawan at kaya naman po tayo ay nagpapasalamat sa kanilang dinala na seedlings worth 1,000 piraso, minsan sobrang mahal ng halaga ng seedling na matataas na mabubuhay na talaga ‘pag itinanim kaya naman sobrang nagpapasalamat ako sa SMNI at kay Pastor Quiboloy kahit sa mga nangyayari sa buhay niya pero malalampasan lang ‘yan Pastor. Huwag kang mag-alala Pastor, patuloy kaming naririto sa barangay susuporta sa inyong gawain dahil lahat ito ay para sa kapakanan nating lahat sa ating minamahal na Pilipinas,” wika ni Hon. Ruben Rollon, Barangay Captain, Brgy. Guadalupe, Maasin City.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang kasalukuyang sitwasyon ni Pastor Apollo ngunit hindi ito naging hadlang upang maipagpatuloy ang mga magagandang adbokasiya na nasimulan ng leader ng KOJC kahit na hindi ito maituturing na public servant ngunit mas nagagampanan pa nito ang tungkulin sa ating pamayanan.
“Ah malaking tulong ‘yan regardless kung sino ang nag-sponsor or nag-initiate as long as for the environment kasi when we talk of environment regardless kung ano ang religion, regardless sa kung ano ang ideology kasi lahat ‘yan kahit pa sabihin mo na komunista ka or ano ka dyan or iba ang iyong relihiyon, Katoliko, Muslim, lahat nag-defend sa environment.”
“Kahit ano pa ‘yan, basta pang environment lahat tayo, sa kanta nga hawak-kamay tayo or kapit-bisig para sa environment kasi hindi naman para lang ‘yan sa isang grupo kundi once na nagtanim ka ang epekto nito ay sa lahat dyan sa lugar,” ayon kay Armando O. Gaviola, Environmental, Management Especialist-1, PENRMO, Southern Leyte.
Para kay Armando Gaviola na isang environment management especialist, naniniwala ito na kailangan ng matibay na pakikipagtulungan ang ating mga komunidad lalo pa’t ang climate change ay isang malaking suliranin ng lahat.
“So kung may mga activity na pangkalikasan o kagaya ng tree planting at costal clean up, mabuti ‘yan, nagpapasalamat nga kami na nag-initiate kayo dito sa Can-iwan dahil ang isa sa mga rason na minsan hindi makagawa ng mga kagaya nitong aktibidad kasi minsan, hindi nga minsan, number one talaga is financial, ngayon oh mas mabuti na top ninyo ang skwelahan, ang community at ang fisher folks association kasi dumadami in terms of number, maraming naka-join sa activity,” dagdag ni Gaviola.
Ang Brgy. Guadalupe ay may malawak na bakhawan, kaya nagbuo ang barangay ng Bantay Katunggan volunteers na siyang nangangalaga ng bakhawan, sila na rin ang nakatalaga na pangalagaan ang mga bagong naitanim ngayong araw upang masiguro ang maayos na pagtubo at paglaki ng mga bakhaw.
“Pastor Apollo, Sir! Pastor, thank you very much for your very commendable activity, this humanitarian activity that actually help mold the mind and the spirit of the young’s, especially the young people and also the community that we need, we need to collaborate each other, work hand in hand together. And this activity, as it starts here in Maasin City it will continue to the whole Southern Leyte. And we are asking for your help and for your prayers that we will, we will be able to let this activity more active and more purposeful as well as productive not only here in Maasin City but the entire Southern Leyte. Thank you po,” ayon kay Chester Valdez, Teacher 1, Guadalupe National High School.
Samantala, nagpaabot naman ng mainit na paghanga si Kapitan Rollon sa SMNI at sa mga programa nito na hango sa totoo at napapanahong balita sa ating bansa.
“Gusto ko manood sa SMNI dahil klaro ang balita hindi peke, sa totoo lang isa ako na sumusubaybay sa Banateros, sila Banat By, Coach Ole at si Jay Guevarra, ‘yan sila lagi kong pinapanood kasi nakakaaliw tapos totoo ang mga istorya kaya gusto ko ‘yung Banat By at Banateros na nasa SMNI,” saad ni Hon. Ruben Rollon, Barangay Captain, Brgy Guadalupe. Maasin City.
Dagdag ni Rollo, na sana ay magpatuloy ang pag-ikot ng SPM sa ibang dako ng Kabisayaan upang mas mapaigting pa ang mga programa ng SPM at ni Pastor Apollo.
Umaasa si Captain Rollon na magpatuloy ang mga adbokasiya ni Pastor Apollo at huwag magpatinag sa anumang hamon na kinakaharap ngayon.
#OneTreeOneNation
#PastorApolloParaSaKalikasan
#ParasaDiyosatPilipinaskongMahal