SA Alabang Elementary School sa Muntinlupa City. Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), ito ang ika-17 sa buong bansa na may pinakamaraming rehistradong botante.
Ayon sa COMELEC, 32,655 ang rehistradong botante dito.
Wika ni Principal Aurora Bartolaba, masusing nasuri ang vote counting machines kaya kampante sila sa maayos na takbo ng botohan.
“Nagkaroon kami ng final testing and sealing. So far, wala namang reported na sirang machine,” pahayag ni Aurora Bartolaba, Principal, Alabang Elementary School.
May 36 polling precincts sa paaralan. Sa mahigit 150 guro, nasa 70–80 ang nagsisilbing poll staff.
May Priority Polling Place rin para sa senior citizens at PWDs. Mahigpit ang pagbabantay laban sa vote buying, ilegal na tent, at iba pang paglabag.
Maayos ang daloy ng botohan. Maaga pa lang ay dagsa na ang mga botante. Tuloy-tuloy ang proseso sa tulong ng mga guro at poll staff.