Mabilis na internet connection tatrabahuin na ng bagong DICT chief

Mabilis na internet connection tatrabahuin na ng bagong DICT chief

TATRABAHUIN ng bagong Department of Information and Communications Technology (DICT) chief na si Sec. Ivan John Uy ang mabilis na internet connection at ang mapabilis ang serbisyo ng gobyerno gamit ang teknolohiya.

Ito ay alinsunod aniya sa naging mandatu sa kanya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay DICT Sec. Uy, sinabi nito na ang mga nabanggit ang unang ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa kanya.

“Sa pag-usad kasi ng panahon naging pangangailangan na sa tao ang internet connection kaya kailangan na itong lubos na pagtuunan ng pansin,” saad ni Sec. Ivan John Uy.

Pinaplano naman ni Sec. Uy na makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para mapag-usapan kung sa papaanong paraan mapabilis ang kanilang public service gamit ang teknolohiya.

Pinuri din nito ang itinatag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na Anti Red Tape Authority (ARTA) para lubos na mapabilis ang transaksyon ng publiko sa mga opisina ng gobyerno.

Follow SMNI NEWS in Twitter