Mag-aaral sa Ragay, CamSur, nagsagawa ng peace rally bilang pagsuporta at pakikiisa para sa kapayapaan

Mag-aaral sa Ragay, CamSur, nagsagawa ng peace rally bilang pagsuporta at pakikiisa para sa kapayapaan

LUMAHOK sa isinagawang peace rally ang nasa humigit -kumulang 100 mag-aaral sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) Ragay Branch sa bayan ng Ragay, Camarines Sur.

Bilang tanda ng kanilang pagsuporta at pakikiisa para sa kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran sa Bicol Region.

Maliban sa mga mag-aaral, nakiisa rin ang mga guro at staff ng naturang paaralan, mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Ragay, mga kapulisan, at kasundaluhan ng 902nd Infantry Brigade (902IB) na pinangunahan ni Deputy Brigade Commander Col. Gilbert Roy S. Ruiz at ng 81st Infantry (Spartan) Battalion (81IB).

Ito’y bahagi ng tatlong araw na Youth Leadership Summit na isinagawa ng 81IB sa PUP Ragay Branch sa suporta ni Mayor Thaddeus A. Ramos at Dr. Veronica S. Almase, branch director ng nasabing unibersidad.

Kasabay ng pagtatapos ng youth summit ay ang covenant signing na nilagdaan ng mga kabataan at iba pang mga nakilahok sa nasabing aktibidad.

Dahil dito, patuloy na makikipag-ugnayan ang mga kasundaluhan sa mga lokal na pamahalaan sa Camarines Sur upang makapagsagawa ng iba’t ibang programang naaayon sa mga kabataan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble