Mag-inang balik-bayan na ibinaon sa lupa sa Tayabas, Quezon, posibleng personal at pera ang dahilan—PNP PIO

Mag-inang balik-bayan na ibinaon sa lupa sa Tayabas, Quezon, posibleng personal at pera ang dahilan—PNP PIO

POSIBLENG personal at may kinalaman sa pera ang dahilan ng karumal-dumal na pamamaslang at pagbaon sa lupa sa mag inang balik-bayan sa Tayabas, Quezon.

Kapwa patay ang mga biktima na sina Lorry Litaga, 54 anyos at ang anak nitong flight stewardess na si Mai Motegi, 26 anyos.

Sinasabing tatlong linggo nang nawawala ang mag-ina nang matagpuan itong nakabaon sa lupa sa likod ng kanilang bahay sa Brgy. Isabang, Tayabas, Quezon.

Napag-alaman na dalawa mula sa apat na persons of interest ay kamaganak ng mga biktima.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, may dalang malaking halaga ng pera ang mag-ina nang umuwi ito sa kanilang lugar galing Japan.

Huling namataan ang mag-ina sa bahay ng kapatid ni Litada kung saan ilang metro lang ang layo mula sa lugar kung saan nakabaon ang wala nang buhay na mga katawan ng biktima.

Ang mag-asawang Ligaya Oliva Pajulas at mister nitong si Charlie Pajulas ay ang sinasabing dalawang persons of interest ng mga awtoridad.

Special Investigation Task Group Motegi, magpapabilis sa imbestigasyon sa pamamaslang sa mag-inang balik-bayan sa Tayabas, Quezon

At para mapabilis ang proseso ng imbestigasyon, bumuo na ng isang Special Investigation Task Group Motegi ang Quezon Police Provincial Office upang magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa nasabing krimen.

Kasabay rito, tiniyak ng PNP na mapapanagot nila ang nasa likod ng krimen na ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble