Pagsasabatas sa Salt Development Act, tugon upang mabawasan ang importasyon sa asin—BFAR

Pagsasabatas sa Salt Development Act, tugon upang mabawasan ang importasyon sa asin—BFAR

ISA ang Pilipinas sa libu-libong mga bansa na napalibutan ng maraming karagatan.

Ang tubig-alat mula sa mga karagatang ito sa Pilipinas ay isa sa pinakikinabangan ng mga Pilipino upang kumita.

Tulad na lamang ng bayan ng Dasol sa Pangasinan na isa sa mga nangunguna at pinakamalaking taga-suplay ng asin sa buong Pilipinas.

Pero, lingid sa kaalaman nating mga Pilipino na higit 80 porsiyento ng asin na ating ginagamit sa araw-araw ay inaangkat pa sa ibang bansa.

Aminado ang pamahalaan na napag-iwanan o napabayaan ang salt industry dahilan kung kaya’t kakaunti na lamang ang gumagawa ng asin.

Kaya, malaking bagay umano ang paglagda ng Philippine Salt Development Act ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., noong Marso 11 para mapasigla ang naturang industriya.

Sa ilalim ng naturang batas, bubuo ng roadmap ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na lead agency nito katuwang ang DTI, DA, DOST, DOLE, DPWH at DENR na nakatutok sa pagpapalago ng salt industry.

Malaking hamon din sa mga mag-aasin ang pag-produce ng iodize salt dahil sa kulang sa kagamitan.

Ipinag-utos din sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ilipat sa pangangalaga ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga soil tenurial instruments.

Kalahating bilyong pisong halaga ng coffee seedlings, nawawala umano—PCAFI

Nakarating na rin sa Department of Agriculture (DA) ang sumbong ng ilang miyembro ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Incorporated (PCAFI) na mayroon umanong kalahating bilyong pisong halaga ng coffee seedlings ang nawawala.

Sinabi ni PCAFI President Danilo Fausto, ilan sa mga variety ng seedlings na nawala ay Robusta at Arabica.

“According to the Philippine Coffee Board na member namin, na may ipinamigay na 5 million seedlings ng coffee at ‘yan nga ay hinahanap natin. Ngayon, kung ayaw nilang hanapin ‘yan ay eh baka may dahilan no,” ayon kay Danilo Fausto, President, PCAFI.

Sinabi ni Asec. Arnel de Mesa, nagsasagawa na ang ahensiya ng full blown review hinggil dito.

Punto pa ni De Mesa, mahalaga pa naman ito para mapataas ang produksiyon ng kape at mabawasan ang importasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble