Mag Negosyo Ta ‘Day ng OVP: Suporta sa magigiting na fisherfolks

Mag Negosyo Ta ‘Day ng OVP: Suporta sa magigiting na fisherfolks

LAKING tuwa ng mangingisdang si Danilo nang matanggap ng kanilang asosasyon ang grant mula sa Office of the Vice President (OVP).

Sa pangarap ni Danilo na matulungan ang mga kapwa niya mangingisda, ay binuo niya ang asosasyong Barangay Habag Fisherfolks Association (BAHAFFA) sa Surigao del Sur.

Ang BAHAFFA ay ang ika-labindalawang benepisyaryo na ng programang Mag Negosyo Ta ‘Day (MTD) ng Office of the Vice President (OVP) na nakatanggap ng P150,000 na livelihood grant.

Pangunahing panghanap-buhay ng kanilang organisasyon ay ang pagsusupply ng isda sa kanilang lugar. Kasalukuyang may 31 myembro ang kanilang organisasyon.

Ayon kay Danilo, laking tuwa ng kanilang asosasyon nang matanggap nila ang grant mula sa OVP dahil ito ang pinakaunang pagkakataon na nakatanggap sila mula sa kahit anong government agencies.

Ang MTD ay isa sa flagship programs ng OVP na naglalayong magbigay ng entrepreneurial opportunities sa ating mga kababayan na kabilang sa vulnerable at disadvantaged sectors.

Patuloy na maglilingkod ang OVP sa pamamagitan ng mga serbisyong may pangmatagalang epekto sa buhay ng sambayanang Pilipino.

Follow SMNI NEWS on Twitter