Magandang promo ngayong Kapaskuhan, iniaalok ng Kabayan Hotel

Magandang promo ngayong Kapaskuhan, iniaalok ng Kabayan Hotel

ITINUTURING pinakamaganda ang taon ngayon ng Kabayan Hotel matapos isagawa ang kauna-unahang Christmas Tree Lighting Ceremony nitong Oktubre 23.

Kasabay ng Christmas Tree Lighting, ibinida rin ng naturang hotel ang mga nagniningning nilang mga promo.

Ayon kay Kabayan Hotel Chief Operating Officer Celine Marie L. King, ang Christmas Tree Lighting Ceremony ay nagpapahiwatig ng mga bagong tradisyon kasama ng kanilang bagong amenities.

Bahagi rin ng kanilang mas malaking kampanya ng hotel na ibalik ang kanilang mga tapat na customer.

Tinatawag na ‘Paskong Kabayan’ ang kampanya na nag-aalok ng perpekto at mga magagandang promo ngayong holiday season.

Kilala ang Kabayan Hotel na tahanan ng overseas Filipino workers (OFWs), balikbayan, local at international guests sa loob ng mahigit dalawang dekada.

Tinitiyak din ng naturang hotel na ang kanilang mga bisita ay nakararanas ng kakaibang Pinoy welcome at makakuha ng lubos na pangangalaga sa abot-kayang halaga.

Pinatibay pa ng Paskong Kabayan ang reputasyon nito sa mga natatanging sulit na deal.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter