Magkahiwalay na piitan para sa mga Muslim inihirit sa BuCor, DOJ

Magkahiwalay na piitan para sa mga Muslim inihirit sa BuCor, DOJ

SA isang pagpupulong ay inihirit ng Office of the Presidential Adviser on Muslim Affairs sa Bureau of Corrections na magkaroon ng magkahiwalay na piitan ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na Muslim.

Ayon kay Presidential Adviser on Muslim Affairs Almarim C. Tillah, ito ay upang mapreserba ang kultura ng mga Muslim kahit sila ay nakakulong.

Batay sa datos ng Bureau of Corrections (BuCor), nasa halos 3 libo ang populasyon ng Muslim PDL sa bansa: kung saan higit isang libo dito ay nakapiit sa New Bilibid Prison, at ang iba naman ay nasa Davao Prison and Penal Farm, Sablayan Prison and Penal Farm, Correctional Institution for Women, Iwahig Prison and Penal Farm, San Ramon Prison and Penal Farm, at Leyte Regional Prison.

Giit ni Tillah, kahit PDL ang mga ito ay may karapatan pa rin silang gawin ang kanilang mga religious practices para sa kanilang pagbabagong buhay.

Mayroon din aniya silang mga nakaugaliang gawin at iwasan tuwing Ramadan.

“During our dialogue and consultations with our Muslim brothers and sisters with various national government agencies, one of the discussions was the plight and challenges of Muslim PDLs inside our penitentiaries and the suggestion to have a separate prison for Muslim PDLs has been raised,” pahayag ni Almarim C. Tillah, Presidential Adviser on Muslim Affairs.

Hiling na mabigyan ng magkahiwalay na selda ang mga Muslim kailangan pang pag-aralan ayon sa DOJ

Ang bagay na ito ay nakarating na sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla, puwede namang gawin ang pagpapatayo ng mga selda para sa mga Muslim pero kailangan pa itong dumaan sa masusing pag-aaral lalo pa’t kulang ang ibinibigay na pondo para sa mga kulungan.

Sa sandali aniya kasing pagbigyan ang isang religious group ay posibleng magsunuran na rin ang iba pang relihiyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble