NANAWAGAN si Master Judea na magluklok ng mga lider na may tunay na pagmamahal sa bayan, tulad ni Pastor Apollo Quiboloy, na kanyang inilarawan bilang isang huwaran ng pagmamalasakit at dedikasyon sa bansa.
“Magluklok tayo ng may tunay na pagmamahal sa ating bayan, katulad ni Pastor Apollo Quiboloy. Si Pastor Apollo Quiboloy, kahit hindi pa tumatakbo bilang politiko, ay tumutulong na. Hindi pa politiko, may resibo na.”
“Subukan natin ang matitino, ‘yung galit sa kriminalidad, galit sa korupsyon, at galit sa droga. ‘Yan ang dapat na inilalagay natin sa gobyerno,” pahayag ni Master Judea, Political Vlogger.