Magnitude 6.2 na lindol sa Turkey nagdulot ng malawakang pinsala

Magnitude 6.2 na lindol sa Turkey nagdulot ng malawakang pinsala

NAGDULOT ng malawakang pinsala ang magnitude 6.2 na lindol na yumanig sa timog-kanlurang bahagi ng Istanbul, Turkey nitong Abril 23, 2025.

Ayon kay Murat Kurum, environment, urbanisation and climate change minister, nakatanggap sila ng 378 na ulat ng pagkasira ng iba’t ibang gusali.

Mabuti na lamang at isang abandonadong gusali lang ang tuluyang gumuho sa Fatih district.

Sa panig naman ni Health Minister Kemal Memișoğlu, umabot sa 236 katao ang nasugatan dahil sa lindol.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble