Mahalagang papel ng bawat reservist, muling pinaalala ng AFP

Mahalagang papel ng bawat reservist, muling pinaalala ng AFP

MAS pinalakas pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang Reserve Force sa pamamagitan ng mga aktibidad sa ilalim ng AFP Reservists National Convention 2024 na ginanap sa lungsod ng Mandaluyong.

Naging posible ang nasabing aktibidad sa pakikipagtulungan ng Association of Reservists and Reservist Administrators of the Philippines Inc. (ARRAPI) na dinaluhan naman ng nasa mahigit 2,000 reservists, mga opisyal ng militar, at mga lider mula sa Army, Navy, at Air Force.

Layon din nitong ipagdiwang ang mahalagang papel ng mga reservists sa pambansang depensa at serbisyo sa komunidad. Nagsilbi rin ito bilang unang general assembly ng ARRAPI.

Dumalo rin sa nabanggit na aktibidad si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. bilang isa sa mga tagapagsalita.

Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin nito ang patuloy na pagpapatupad ng AFP ng Reserve Force Development Strategy 2023-2028, na naglalayong palakasin ang mga reservists sa pamamagitan ng mga estratehikong inisyatiba, kabilang ang pinahusay na recruitment at pag-develop ng kakayahan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble