TUNAY nga na ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
Para sa mga partisipante ng 13th National Youth Parliament (NYP) na inorganisa ng National Youth Commission, walang ibang susunod sa yapak ng mga namumuno sa bansa kundi ang mga kabataan.
Binigyang-diin ng mga ito ang mahalagang papel ng mga kabataan sa nation building at kanilang partisipasyon tungo sa pag-unlad ng bayan.
Ayon sa National Society of Parliamentarians Inc., mahalaga na ang mga kabataan ay maagang mamulat sa kanilang papel sa komunidad.
Dagdag nito na ang isinagawang National Youth Parliament ay isa sa paraan upang linangin ang kaalaman ng mga kabataang lider sa pagtugon sa mga isyu na kinakaharap ng nasabing sektor sa pamamagitan ng paggawa ng mga polisiya.
Sinang-ayunan naman ito ng mga partisipante na anila’y naniniwala sila na ang paglahok sa ganitong mga pagtitipon ay hakbang upang maging mahusay na mga lider ng bansa.