NAGTIPON-tipon ang mga kabataang opisyal sa 27th anniversary ng National Youth Commission (NYC).
Dito binigyan-pugay ang ambag ng NYC sa paghubog sa kakayahan ng mga kabataang Pilipino.
Pinangunahan ang event ni NYC Chairman and CEO Ronald Cardema.
At para sa NYC, malaki ang ambag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kinabukasan ng mga kabataan.
“Napakalaki po ng contribution ni Pangulong Duterte sa National Youth Commission. At ma-realize n’yo binalik ng Duterte administration ang Sangguniang Kabataan nitong 2018,” pahayag ni Cardema.
Diin pa ni Cardema, malaki ang dapat ipagpasalamat ng mga kabataang Pinoy kay PRRD.
Dahil sa laki ng puso niya para sa susunod na henerasyon.
“Kung wala siya baka hindi naging priority ang kabataan para sa ating bansa,” ani Cardema.
Sa selebrasyon ng NYC, binigyang-pugay din si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at incoming President Bongbong Marcos na siyang main author ng NYC Law noong dekada 90.
At higit sa lahat, binigyang pugay ng NYC si Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ito ay dahil sa malaking ambag nito sa bayan lalo na ang matapang na pagkontra nito sa CPP-NPA-NDF.
“He has shown his spiritual and moral guidance sa ating mga kabataan. Unang-una sa kanyang paglaban sa NPA. Dahil ang NPA, ni-rerecruit ang ating mga kabataan, dinadala sa bundok para lumaban sa gobyerno at ang isang matapang na lider-Pilipino ay si Pastor Apollo C. Quiboloy,” ayon pa kay Cardema.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng iba’t ibang stakeholders ng NYC para mapalakas pa ang kampanya ng gobyerno.