Mahigit 1.1-M na AstraZeneca COVID-19 vaccines mula sa Japan, dumating na sa bansa

Mahigit 1.1-M na AstraZeneca COVID-19 vaccines mula sa Japan, dumating na sa bansa

DUMATING na sa bansa ang  1,124,100 doses ng AstraZeneca vaccines mula sa Japan sa Villamor Air Base Huwebes ng gabi, Hulyo 8.

Naroon mismo sa turnover ceremony sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Japanese Embassy officials at mga executive ng National Task Force (NTF) against COVID-19 at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ang donasyong bakuna ay kabahagi ng inisyatibo ng Japan government para masuportahan ang mga bansa sa Southeast Asia sa gitna ng pandemic na COVID-19.

Ayon pa sa Facebook page ng Radio Television Malacanang, ito ay ilan lamang sa mga tulong ng Japan sa Pilipinas sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ng mahigit 1.1 million na AstraZeneca COVID-19 vaccine na donasyon ng bansang Japan.

Ayon sa pangulo, malaking tulong ang donasyong bakuna upang makamit ng bansa ang tinatarget nitong herd immunity.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Pangulong Duterte na ito ay nagpapakita lamang ng matibay na pagkakaibigan ng Japan at Pilipinas.

Bukod pa rito, pinasalamatan din ng Pangulo ang suporta ng Japan para sa cold chain transport at ancillaries upang ligtas na mai-deliver ang mga bakuna sa ibang bahagi ng bansa.

Nagpaabot din ng pasasalamat sina DOH Secretary Francisco Duque III at Vaccine Czar Carlito Galvez.

BASAHIN: Japan, magrerelease ng higit ₱8-B loan para sa pandemic response ng Pilipinas

SMNI NEWS