Mahigit 100 pulis, ipinadala ng PNP sa Malabang, Lanao del Sur

Mahigit 100 pulis, ipinadala ng PNP sa Malabang, Lanao del Sur

IPINADALA ng Philippine National Police (PNP) sa Malabang, Lanao del Sur ang mahigit 100 pulis.

Upang masiguro ang kaayusan at seguridad ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa bayan ng Malabang Lanao del Sur, nagpadala ng karagdagang pulis ang Pambansang Pulisya sa lalawigan.

Kasunod ito sa nangyaring shooting incident sa lugar.

Matatandaang, Setyembre 1, 2023 ay binulabog ng putukan ang filling ng certificate of candidacy (COCs) ng BSKE sa Malabang Lanao del Sur.

Dahil dito ay agad na nagsagawa ng pursuit operation at imbestigasyon ang Police Provincial Office sa Lanao del Sur.

Sa panayam naman ng media kay acting PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo sinabi nito na aabot sa mahigit 100 police personnel mula sa Regional at Provincial Police Maneuver Force ang kanilang ipinadala sa nasabing lugar.

Ito’y upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa nasabing lugar.

“Particularly doon po tayo sa nangyari sa Malabang, nagpadala na po tayo ng additional personnel po doon around 150 na PNP personnel coming from Regional at Provincial Police Maneuver Force para dagdagan ang local police doon ag ang purpose is to maintain peace and security doon sa area” saad ni PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo.

Sa ngayon ay kabilang na ang bayan ng Malabang sa top 10 areas of concern ng PNP at ng Commission on Elections (COMELEC) ngayong halalan.

Nito lang araw ng Lunes, Setyembre 4 ang huling araw ng COC filing sa Metro Manila at Abra.

Ang nasabing COC filing ay dapat tapos na noong Setyembre 2 ngunit ito’y pinalawig sa ibang lugar sa bansa matapos masuspinde ang ilang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno dahil sa sama ng panahon.

Naitalang suspected election related incident, umabot na sa 8—PNP

Samantala umabot na sa walo ang suspected election related incidents sa bansa ayon sa PNP.

Ang nasabing bilang ay mula sa mga lugar ng Region 5, Region 8, Region 9, at Region 12.

“So far ang mga insidente po jan ay 2 kaso ng shooting incident, 1 kaso ng unjust vexation, 1 kaso ng stabbing, at 1 kaso ng grave threat po,” ani PCol. Fajardo.

Ayon kay PCol. Fajardo, sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang Validation Joint Peace Security Coordinating Center para matukoy kung maka-categorized ba na election related incident ang mga nangyari sa nabanggit na mga lugar.

“Itong mga walong insidente po na ito ay nagkakaroon po ng validation base po sa parameters po natin kapag may nangyaring suspected election related incident ay meron pong sampung araw ‘yung joint peace security coordinating center para i-validate whether or not itong mga incident na ito ay maka-categorized po natin as election related incident,” wika ni Fajardo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble