IMO-monitor ng Commission on Elections (COMELEC) ang social media accounts ng mga kumakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Para anila makita nila ang posibleng election law violations gaya na lang ng premature campaigning.
Sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 10905, hindi pa pinapahintulutan ang pangangampanya sa pagitan ng Setyembre 3 hanggang Oktubre 18, 2023.
Ang campaign period ay sa Oktubre 19 hanggang 28 pa.
Ang sinumang mahuhuli na lalabag sa section 80 ng Omnibus Election Code ay maaaring makulong ng isa hanggang anim na taon.
Maaari ding matanggal ang karapatan nito para makaboto at pagkakadiskwalipika para magkaroon ng puwesto sa serbisyo.