IBINUNYAG ng Philippine National Police (PNP) na mahigit isang daan (108) na ang mga pulis na na-dismiss dahil sa drug-related offenses simula nang mag-umpisa ang Marcos administration.
Ang ilang pribilehiyo na matatanggap sana ng mga pulis na ito ay ipinagkait na rin dahil sa kanilang mga kinasasangkutan.
Sa datos ng PNP mula Hulyo 2022 hanggang Enero 3, 2024, nasa tatlong daan (289) na ang mga pulis na nasasangkot sa ilegal na droga.
10 dito ay na-demote; 60 ang suspended; at tatlo ang na-reprimand.
Sa isang video message ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi rin nito na nasa isang daan at walumpu (177) sa mga pulis na nakasuhan ng drug-related offense ay naitala sa Metro Manila lamang.