Mahigit 100,000 OFW, makikinabang sa wage increase sa Taiwan

Mahigit 100,000 OFW, makikinabang sa wage increase sa Taiwan

TINATAYANG mahigit sa 100 libong overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Taiwan ang makikinabang sa inaprubahang minimum wage doon.

Ito ang sinabi ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Silvestre matapos aprubahan ng Taiwanese government ang 4.05% na increase sa monthly minimum wage para sa mga manggagawa sa industrial sector.

Mula sa kasalukuyang 26,400 New Taiwan dollars na buwanang sahod ay magiging 27,470 New Taiwan dollars o mahigit sa 48,000 pesos na ito.

Habang ang basic hourly rate naman ay magiging 183 New Taiwan dollars mula sa kasalukuyang 176 New Taiwan dollars.

Sa ngayon ay nasa 154,000 ang bilang ng mga Pilipinong nagtra-trabaho sa Taiwan kung saan nasa mahigit sa 124,000 dito ay factory workers.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter