INANUNSYO ng Professional Regulation Commission (PRC) na mahigit sa labingwalong libo mula sa mahigit dalawampu’t apat na libo ang pumasa sa Philippine Nurse Licensure Examination (PNLE) na isinagawa ngayong buwan ng Nobyembre.
Ang mga ito ay mula sa licensure examination na ibinigay ng Board of Nursing sa Manila, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.
Nanguna sa naturang exam si Abigail Garganta Ramirez mula sa Saint Paul University sa Dumaguete na nakakuha ng 90%.
Pinaalalahanan naman ng PRC ang mga pumasa ay maaaring magparehistro sa online para makakuha ng kanilang professional identification card at certificate of registration simula Enero 9-27 ng susunod na taon.