Mahigit 1K pulis, nabiktima rin ng Bagyong Kristine

Mahigit 1K pulis, nabiktima rin ng Bagyong Kristine

NASA mahigit isang libong pulis at pamilya nito ang naapektuhan din ng pananalasa ng Bagyong Kristine.

Kagaya ng ibang pamilya, halos nalubog din sa baha ang mga bahay ng mga pulis at naapektuhan ang kabuhayan.

Sa kaniyang talumpati sa regular flag raising sa Kampo Krame, agad na ipinag-utos ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil ang pagbibigay-tulong sa mga apektadong mga tauhan nito.

Ayon kay Marbil, kaniya nang inatasan ang mga kinauukulang yunit para magbigay ng tulong-pinansyial sa mga pulis na biktima rin ng kalamidad partikular na sa Bicol Region.

“‘Yung mga tao natin they risked their lives, I salute you. I ordered Gen. Okubo, ‘yung DPCR, ‘yung DC natin, sa lahat ng mga pulis natin na more than 1,000 pati NUPs na nasalanta ng bagyo, let us give financial assistance. Tulungan natin, ‘yung nasa Region 8 at Region 4A I told them to extend more policemen so that ‘yung mga tao natin naapektuhan ng bagyo doon sa Region 5 they have more time doon sa construction ng kanilang mga bahay. Kawawang-kawawa ‘yung mga pulis,” pahayag ni PGen. Rommel Franciso Marbil, Chief, PNP.

PRO-3, nag-deploy ng mga tauhan bilang disaster response team sa Bicol Region

Sa kabilang banda, nagpapatuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa mga pangunahing ahensiya ng pamahalaan gaya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense para sa mga kinakailangang tulong o suporta sa mabilis na search, rescue and retrieval operations sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng nagdaang kalamidad.

Sa katunayan, nakaalis na patungong Bicol Region ang nasa 62 mga tauhan ng Police Regional Office 3 para tumulong sa disaster response activities partikular na sa mga nasalanta ng nagdaang Bagyong Kristine.

Ayon kay PRO 3 Director PBGen. Redrico Maranan, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa NDRRMC sa mga kinakailangan pang tulong para sa mga naapektuhan ng bagyo.

“In times like these, extending help to the hardest-hit communities is vital. This mission is made possible with the strong support of the Office of Civil Defense (OCD), whose resources have been instrumental in enabling our response,” wika ni PBGen. Redrico Maranan, Director, PRO 3.

Naiulat na nasawi sa Bagyong Kristine, umakyat na sa 116NDRRMC

Batay sa pinakahuling tala ng NDRRMC, umakyat na sa 116 ang naiulat na nasawi dahil sa Bagyong Kristine kung saan 10 rito ay kinumpirma ng ahensiya.

Nasa 39 naman ang missing at isa pa lang ang validated habang 109 ang naiulat na injured subalit isasalang pa ang mga ito sa validation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble