ARESTADO ang apat na itinituring na high value individuals sa Pulilan, Bulacan nitong nakaraang linggo.
Bunga ito sa isinagawang buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PIU/PDEU Bulacan PPO at Pulilan Municipal Police Station sa Barangay Tibag ng nasabing bayan na nagresulta sa pagkakadakip ng apat na mga suspek na kinilalang sina alyas Jonjon, 40 taong gulang, alyas TJ, 32 taong gulang, alyas Jeff Punk, 38 taong gulang at alyas Ratboo, 20 taong gulang.
Nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang walong transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 150.1 gramo, na may standard drug price na Php 1,020,680.00 at Php 1,000 marked money.
Agad na sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ang mga suspek.