Mahigit 2-K Pinay, nasawi sa panganganak noong 2021—UNFPA PH

Mahigit 2-K Pinay, nasawi sa panganganak noong 2021—UNFPA PH

UMABOT sa mahigit 2-K kababaihang Pilipina ang nasawi sa panganganak sa bansa noong taong 2021.

Ito ang sinabi ng United Nations Population Fund (UNFPA) Philippines.

Ayon kay Dr. Leila Saiji Joudane, country representative ng UNFPA Philippines, nasa 6 -7 Pinay ang namamatay kada araw sa panganganak.

2 babae naman ang nasasawi sa panganganak kada 2 minuto sa buong mundo.

Kabilang sa 5 pangunahing dahilan ng maternal deaths ay komplikasyon sa panganganak, childbirth at puerperium, eclampsia, pre-eclampsia at hemorrhage.

Karamihan aniya sa mga ito ay maaaring maiwasan kung mayroon lamang access sa proper medical interventions at sapat na healthcare systems na resilient sa panahon ng emerhensiya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter