UMABOT sa total na 267 na mga persons deprived of liberty (PDL) ang pinalaya kaninang umaga, May 15 mula sa pagkakakulong sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City at sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.
Pinangunahan mismo nina Justice Secretary Crispin Remulla at Senator Imee Marcos ang seremonya na dinaluhan din nina Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang, Jr., Public Attorneys Chief Atty. Persida Acosta at iba pa.
Karamihan sa mga napalaya ay iyong mga nabigyan ng parole na umabot sa 124 dahil sa magandang asal na ipinakita habang nakakulong.
72 naman ang nakatapos ng kanilang sentensiya at nabigyan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), habang 36 naman ang na-acquit o naabsuwelto sa kinakaharap na kaso.