MAHIGIT 200-K na ang apektado ng Habagat sa buong bansa.
Ayon ito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Madalas sa mga ito ay biktima ng mga pagbaha gaya ng Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa ulat pa ng NDRRMC nitong Hulyo 16, halos P18-M (P17,879,687) na ang halaga ng pinsalang dulot nito sa agri products.