Hanging Habagat, nakapagtala na ng 6 na patay—NDRRMC

Hanging Habagat, nakapagtala na ng 6 na patay—NDRRMC

UMAKYAT na sa 6 ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi kasunod ng mga naitalang pagbaha at pagguho ng lupa dulot na rin ng epekto ng hanging habagat (southwest monsoon) sa Mindanao.

Ito ang kinumpirma ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson, Dir. Edgar Posadas sa panayam sa kaniya batay na rin sa komprehensibong ulat mula sa OCD-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Batay sa report, isa ang nasawi sa Northern Mindanao, 3 mula sa Maguindanao del Norte habang 2 sa Lanao Del Sur

Samantala, may 2 naman silang under validation o kinukumpirma pa kung may kinalaman sa mga pag-ulan ang sanhi ng kanilang pagkasawi.

Dagdag pa ni Posadas na mayroon silang 23 naitalang nasugatan dahil sa mga pag-ulan subalit ito’y under validation pa habang may 4 na naitalang nawawala.

Sa kabuuan, nasa higit 60-K pamilya na ang apektado ng nasabing sama ng panahon habang patuloy ang monitoring na ginagawa ngayon ng pamahalaan sa mga apekatdo ng kalamidad.

Posibleng pagtama ng magnitude 8.2 na lindol, ibinabala ng Phivolcs

Sa kabilang banda, pinaghahanda ng Philvocs ang publiko sa posibleng pagtama ng isang malakas na lindol o ang pinangangambahang ‘The Big One.’

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Teresito Bacolcol, nakita aniya sa kanilang earthquake generators ang posibleng paggalaw o pagyanig ng lupa at maaari itong umakyat hanggang magnitude 8.2 quake.

Matatandaang ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire kaya’t karaniwan na aniya ang mga paglindol.

Dahil dito ay ang pinaghahanda ang publiko para sa mas mabisang paraan para makaligtas sa paparating na kalamidad.

Kasama na rito ang pagbabantay sa coastal areas dahil naman sa banta ng tsunami dulot ng malakas na lindol.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble