Mahigit 240 BSKE candidates, hindi ipoproklama kung mananalo

Mahigit 240 BSKE candidates, hindi ipoproklama kung mananalo

IPINAG-utos ng Commission on Elections (COMELEC) na isuspinde ang proklamasyon ng nasa 241 kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ito’y kahit mananalo sila sa eleksiyon ayon kay Chairman George Garcia dahil sa naka-pending na disqualification cases laban sa kanila.

Hindi na idinetalye pa ng COMELEC kung saan-saang lugar ang mahigit 240 na mga kandidatong ito.

Ayon sa COMELEC, premature campaigning, vote buying, illegal campaigning, at anti-political dynasty ang halimbawa sa nilabag ng mga ito.

Sa ngayon ay isinasapinal na ang kompletong listahan ng mga kandidatong mayroong disqualification cases.

Follow SMNI NEWS on Twitter