Mahigit 25k na manggagawa sa POGO, handang tulungan ng DOLE

Mahigit 25k na manggagawa sa POGO, handang tulungan ng DOLE

HANDANG tumulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mahigit 25,000 manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sakaling huminto ang operasyon nito.

Ayon kay DOLE Undersecretary Benjo Benavidez na handa ang gobyerno, lalo na ang DOLE, na tumulong sa mga manggagawang maaring mawalan ng trabaho.

Aniya handa rin ang DOLE na tulungan silang makahanap ng trabaho lalong lalo na ang mga customer service representative mula sa POGOs.

Dagdag pa nito na sasailalim sila sa employment facilitation program at bibigyan sila ng separation pay para makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan hanggang sa makakuha ng panibagong trabaho.

Follow SMNI NEWS in Twitter