PUMALO na sa mahigit 26 milyong SIM cards ang nairehistro sa bansa.
Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), umabot na sa kabuoang 26,637,515 SIM ang nairehistro hanggang noong Enero 28, 2023.
Ito ay 15.76% ng 168 milyong active subscribers sa Pilipinas.
Pinakamarami sa nakapagparehistro ay sa Smart na umabot na sa 13.63 milyon, sa Globe naman ay mahigit 10.88 milyon habang 2.12 milyon naman sa Dito.
Inihayag ni DICT Spokesperson and Undersecretary Anna Mae Yu, patuloy ang Public Telecommunication Entities (PTEs) sa pagpapabuti sa proseso para masiguro ang smooth registration experience ng mga user.
Disyembre 27, 2022 nang umarangkada ang mandatory SIM registration at matatapos sa Abril 26, 2023.